Bilang ng mga naputukan, 62 na!

Ngayong Bisperas ng Bagong Taon, pumalo na sa 62 ang bilang ng mga naputukan.

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Health (DOH), mula sa 54 kahapon ay nadagdagan ng walo ang Fireworks Related Injuries (FWRI).

Ang mga ito ay naitala mula alas-sais ng December 21 hanggang 5:59 ng umaga ngayong araw ng Martes, December 31.


Ayon sa DOH, ang naturang bilang ay tatlong porsyentong mas mataas kumpara sa naitala noong 2018 pero 63% na mababa sa 5-year average o mula 2014 hanggang 2018.

Ang mga nasugatan ay mula sa mga paputok na piccolo (9), boga (6), kwitis (6), 5-star (5), luces (5) at iba pang uri ng paputok.

Mayorya sa mga biktima ay nagtamo ng pinsala sa kamay (24), mata (16), braso (7), ulo (8) at paa (6).

Pinakamarami namang kaso ng naputukan ay mula sa National Capital Region (NCR).

Sa kabila ng pagtaas sa bilang FWRI, sinabi ng DOH na wala pa silang naitatalang fireworks ingestion, natamaan ng stray bullet o ligaw na bala at wala rin napaulat na nasawi.

Facebook Comments