Bilang ng mga naputukan, halos 300 na

Pumalo na sa 288 ang bilang ng fireworks related injuries o FWRI.

Ayon sa Department of Health o DOH, ang nasabing datos ay mula December 21, 2019 hanggang sa araw na ito, January 2, 2020.

Mas mababa aniya ito ng 8% kumpara sa naitala noong kaparehong panahon ng 2018.


Mababa rin ito ng 57% mula sa 5-year average.

Karamihan sa mga paputok na nakabiktima ay Kwitis (63), Fountain (32), Luces (32), Piccolo (17), at Triangle (13).

170 sa mga biktima o 59% ay passive cases, habang 166 o 58% ay naganap sa mga kalye.

Mayorya sa mga naputukan ay mula sa National Capital Region o NCR.

Pinaka-marami namang napinsala ay kamay (96), mata (70), ulo (40), binti (29) at braso (25).

Wala namang napaulat na fireworks ingestion, stray bullet injury o ligaw na bala at wala ring nasawi.

Facebook Comments