Muli na namang umakyat ang bilang ng kaso ng mga naputukan sa lalawigan ng Pangasinan ayon sa Pangasinan Provincial Health Office.
Base sa pinakahuling monitoring ng PHO-Epidemiology and Surveillance Unit simula ika-21 ng Disyembre hanggang ika-5 ng Enero 2024, pumalo na sa 120% o katumbas ng 163 na kaso ng fireworks-related injuries mula sa 38 na mga pribado at pampublikong ospital at mga RHU sa probinsya.
Mas mataas ang kaso ngayon kumpara sa parehong panahon noong 2022 na nasa 73 na kaso lamang ang naitala.
Nangunguna sa datos ang paputok na kwitis kung saan biktima ang 68 indibidwal, sinusundan ito ng Whistle Bomb, fountain, hindi kilalang paputok, five star, stray bullet at iba pa.
Nasa 158 na indibidwal naman ang napauwi sa kanilang mga tahanan, habang tatlo (3) biktima pa rin ang naka-confined at dalawa (2) na ang namatay.
Mas marami ang mga naputukan sa kamay, pumangalawa ang parte ng ulo, mukha at leeg, at sinundan ito ng parte ng paa.
Dalawa naman ang naputulan ng parte ng katawan dahil sa malubhang pagsabog.
Samantala, nasa unang pwesto ang lalawigan ng Pangasinan sa rehiyon uno na may pinakamaraming naitalang kaso ng naputukan.
Samantala, nasa unang pwesto ang lalawigan ng Pangasinan sa rehiyon uno na may pinakamaraming naitalang kaso ng naputukan.
Magpapatuloy ang monitoring at surveillance ng ahensya para sa posibleng pagkakaroon pa ng kaso ng FWRI sa probinsya. ###
Facebook Comments