Bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Odette, umakyat na sa 18 – NDRRMC

Umakyat na sa 18 ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa pananalasa ng bagyong Odette.

Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, umakyat na sa pito ang nawawala dahil sa bagyo habang dalawa ang nasugatan.


Nasa 21,000 naman ang apektadong pamilya o katumbas ng 95,000 indibidwal na nananatili sa mga evacuation centers sa buong bansa.

Nagmula ang mga ito sa 300,000 kataong lumikas sa kanilang tahanan.

Batay sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), umakyat na sa mahigit 3,600 ang na-stranded sa mga pantalang sa buong bansa.

Nagmula ito sa mga rehiyon ng; Bicol Region, Eastern Visayas, Western Visayas, Central Visayas at North Eastern Mindanao.

Facebook Comments