Umabot na sa 16 ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Ursula.
Ito ang pinakahuling datos na nakalap ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Maliban sa mga namatay, nasa dalawang indibidwal ang sugatan habang nasa anim ang naiulat na nawawala sa Western Visayas at Eastern Visayas.
Aabot naman sa 12,139 na pamilya ang naapektuhan ng bagyo mula sa 340 na barangay sa Bicol Region, Western, Central, at Eastern Visayas, at Caraga.
Nasa 10,905 na pamilya ang nasa 90 evacuation centers.
Umakyat sa 115 siyudad at munisipalidad ang nakaranas ng power outage sa Region 6 at 7.
Nasa 244 pasahero, 27 rolling cargoes, at isang vessel ang nananatiling stranded sa iba’t-ibang pantalan.
Isinailalim naman sa state of calamity ang Leyte, Eastern Samar, San Jose, Occidental Mindoro at Kalibo, Aklan.
Sa ngayon, patuloy ang validation at verification ng NDRRMC.