Bilang ng mga nasawi dahil sa pag-inom ng lambanong, umakyat na sa 17

Umakyat na sa 17 ang mga nasawi matapos uminom ng lambanog sa Rizal, Laguna at Quezon.

 

Ayon kay Candaleria Mayor Macario Boongaling – ang 53 anyos na si Fernando Balmes Aguilar ang ika-apat na nasawi sa kanilang bayan.

 

Habang nasa 12 naman ang namatay mula sa Rizal, Laguna.


 

Una nang ipinagbawal sa nasabing mga bayan ang pagbebenta ng lambanog matapos lumabas sa pagsusuri ng Food and Drug Administration ang mataas na methanol content nito.

 

Nabatid na ang methanol ay maaaring maging sanhi ng pagkabulag at pagkasawi ng isang tao.

 

Matatandaang noong isang taon, umabot sa 10 katao rin ang nasawi matapos uminom ng lambanog.

Facebook Comments