Manila, Philippines – Umabot na sa 215 ang bilang ng mga nasawi dahil sa tigdas.
Mula ito sa 13,723 kaso ng tigdas na naitala ng Department of Health (DOH) hanggang noong February 26.
Pinakamarami ay naitala sa CALABARZON na may 3,234; sinundan ng National Capital Region (NCR) na may 3,068; Central Luzon, 2,010; Northern Mindanao, 679 at Western Visayas na may 671.
Sa kabila nito, ikinatuwa Health Secretary Francisco Duque III ang pagdagsa ng mga magulang sa mga health centers para pabakunahan ang kanilang mga anak.
Sa pagitan ng Abril at Mayo, posible aniyang ideklara ng DOH na under control na ang measles outbreak.
Facebook Comments