Bilang ng mga nasawi sa 7.2 magnitude na lindol Sa Haiti, umakyat na sa higit 700

Umakyat na sa 704 ang bilang ng mga nasawi kasunod ng 7.2 magnitude na lindol sa Haiti.

2,800 ang naitalang sugatan at marami pa ang kasalukuyang hinahanap na pinaniniwalaang natabunan ng mga gumuhong gusali.

Dahil sa trahedya, nagpaabot na ng tulong ang ilang bansa kabilang ang Dominican Republic na nagpadala ng 10,000 food rations at medical equipments.


Habang medical at search-and-rescue team naman ang ipinadala ng Cuba at Ecuador at nagbigay na rin ng tulong ang mga bansang Mexico, Chile, Argentina at Venezuela

Facebook Comments