SURPRESANG INSPEKSYON SA MGA TIMBANGAN SA PAMILIHANG BAYAN NG MABINI, ISINAGAWA

MABINI, PANGASINAN – Isinagawa ang surpresang pag-inspeksyon sa mga stall owners na nagtitinda sa loob ng pamilihang bayan ng Mabini, Pangasinan.

Ang inspeksyong ito ay utos ng alkalde ng bayan dahil upang masiguro kung tama nga ba o accurate ang mga timbangang ginagamit sa pagbebenta ng mga nagtitinda.

Pinangunahan ang naturang inspeksyon ng Market Supervisor na si Janice Rabaya at Nari Castro kasama ang Municipal Administrator na si Noel De Guzman.


Pinayuhan ang mga mamimili na kung kulang umano sa timbang ang mga binibili produkto ay agad ipagbigay-alam sa tanggapan ng Market Supervisor para magawan umano ng aksyon at managot ang mga manlolokong nagtitinda.

Paalala naman sa nagbebenta ay dapat nakaharap o nakatingin ang mga timbangan at mamimili kung isasagawa ang pagtitimbang bago tanggalin ang produkto.

Facebook Comments