Bilang ng mga nasawi sa Bicol Region bunsod ng pananalasa ng Bagyong Rolly, sumampa na sa 10

Umakyat na sa 10 ang bilang ng mga nasawi sa hagupit ng Bagyong Rolly sa Bicol Region.

Ito ay matapos maitala ang tatlong karagdagang fatalities kabilang ang isang 5-taong gulang na bata.

Sa datos ng Office of Civil Defense Region 5, siyam ang naitalang namatay sa Albay at isa ay mula sa Catanduanes.


Kabilang sa mga namatay ay tatlo mula sa bayan ng Guinobatan, kabilang ang isang 5-taong gulang na bata, dalawa mula sa Malinao at tig-isa mula sa Daraga, Oas, Polangui at Tabaco City.

Tatlong indibidwal ang naiulat na nawawala sa Guinobatan, habang 180 bahay ang lumubog sa ilalim ng lahar.

Umabot naman sa 390,298 na tao ang lumikas sa kanilang mga tahanan, kung saan aabot sa 94,492 pamilya o 344,455 indibidwal ang na-displace o nananatili sa evacuation centers.

Nasa 1,013 na pasahero ang stranded sa mga pantalan sa Bicol Region.

Facebook Comments