Umabot na sa 56 ang nasawi sa China kasunod ng outbrek ng 2019 novel coronavirus.
Sa datos ng China National Health Commission, nasa 1,975 cases na ang kanilang naitala, karamihan ay sa Hubei Province.
Ayon kay Chinese President Xi Jinping na nahaharap ang kanilang bansa sa matinding sitwasyon lalo na at puspusan ang mga awtoridad para makontrol ang pagkalat ng nasabing virus.
Sa ngayon, nasa ilalim ng lockdown ang Wuhan City at iba pang siyudad sa Hubei Province at mahigpit ang ipinapatupad na quarantine efforts.
Facebook Comments