DILG, ikinatuwa ang pagkakatanggal ng 3 senior police officials na nahuling nag-go-golf habang on-duty

Ikinalugod ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagsibak sa tatlong senior police officials na nahuling naglalaro ng golf habang naka-duty.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año – ang ginawa ng mga nasabing police official ay maituturing na “serious breach of discipline” lalo na at ipinagbawal ni PNP Chief Archie Gamboa ang paglalaro ng golf tuwing weekdays.

Ang mga opisyal ay kinilalang sina Police Col. Dennis Artil, Police Lt/Col. Richard Bad-Ang, at Police Lt/Col. Glenn Mayam.


Tiniyak na iimbestigahan ang mga ito.

Nabatid na hindi ito unang beses na nag-golf ang mga pulis sa oras ng trabaho.

Facebook Comments