Bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa Pasay City, pumalo na sa 7

57

Mula sa tatlo, umakyat na sa pito katao ang bilang ng mga nasawi sa mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pasay City.

Batay sa inilabas na datos ng Pasay Public Information office, umakyat na rin sa 50 ang bilang ng confirmed cases ng COVID-19 sa Lungsod.


Habang ang Persons Under Monitoring naman na mula sa 293 ay umakyat na sa 294 ang bilang nito.

Nanatili naman sa dalawa ang nakarecover sa naturang sakit.

Samanta nanatili pa rin sa 40 ang bilang naman ng Persons Under Investigation PUIs sa Pasay City.

Facebook Comments