Kapitan ng Isang Brgy sa Benito Soliven, Isabela, Nilinaw na Wala pang Ibinigay na SAC Form!

837

Cauayan City, Isabela- Wala pang ibinibigay at ipinapapirmang Social Amelioration Card Form sa mga residente ng Brgy Punit, Benito Soliven Isabela.

Ito ang sinabi ni brgy Captain Melchor Languido ng naturang barangay sa ginawang panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.


Nilinaw nito na wala pang dumating na SAC forms na ibinigay ng DSWD.

Gayunman, nakatakda umano silang pulungin kaugnay sa pamamahagi ng Social Amelioration Program para lamang sa mga karapat-dapat na benepisyaryo.

Pinabulaanan nito ang kumakalat na impormasyon na umano’y mayroon nang mga naunang pumirma ng form sa kanilang barangay.

Facebook Comments