Bilang ng mga nasawi sa dengue ngayong taon, papalo na sa higit 100

Umabot na sa 140 ang nasawi dahil sa dengue.

Ito ang naitala ang Department of Health (DOH) sa pagitan ng January 1 hanggang February 23, 2019.

Batay sa DOH-Epidemiology Bureau, nasa kabuoang 36,664 dengue cases ang naitala sa buong bansa ngayong taon.


Mataas ito kumpara sa 21,961 dengue cases na naitala sa kaparehas na panahon nitong 2018.

Ang Central Visayas ay may pinakamataas na bilang ng kaso na may 4,089 na sinundan ng Caraga Region (3,876), National Capital Region (NCR – 3,821), Calabarzon (3,767) at Central Luzon (3,070).

Ang mga batang may edad lima hanggang siyam na taon gulang ang karamihan sa mga natamaan ng dengue.

Nagpaalala ang DOH sa publiko na panatilihin ang kalinisan sa kanilang kapaligiran at ugaliing gawin ang “4-S” Strategy: “search and destroy”; “secure self protection”; “seek early consultation” at “support fogging/spraying”.

Facebook Comments