Bilang ng mga nasawi sa nagpapatuloy na gulo sa Marawi, lalo pang lumobo

75

Marawi City – Pumalo na sa 537 ang bilang ng mga namatay sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.

Base sa pinakahuling tala ng AFP, 399 rito ay mula sa panig ng teroristang Maute Group, 93 sa tropa ng gobyerno ay 45 sa panig ng sibilyan.

Sa ngayon, 1, 723 na mga sibilyan na ang na-rescue ng militar habang nasa 300 pa ang naiipit sa mga conflict area.

Labing-lima naman mula sa halos 600 bahay at gusali ang na-clear na mula sa presensya ng mga terorista.

Kumpiyansa ang AFP na matatapos ang gulo sa Marawi sa loob ng 15-day assessment na binanggit noon ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments