Sumampa na sa kabuoang 50 ang bilang ng mga nasawi sa pagbagsak ng C-130 plane ng Philippine Airforce sa Sulu.
Sa interview ng RMN Manila kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Cirilito Sobejana, all accounted na ang 96 na crew ng eroplano, kung saan 47 na sundalo ang namatay habang nasa tatlong sibiliyan naman ang nasawi.
Nasa 49 naman na sundalo at apat na sibilyan ang sugatan.
Itinanggi rin ni Sobejana ang mga ulat na may mga pasahero ng eroplano ang tumalon bago ito bumagsak.
Pinakordon na nila ang one-kilometer radius ng crash site para sa gagawing imbestigasyon at kabilang sa ire-retrieve ay ang blackbox ng eroplano.
Aminado si Sobejana na may limitasyon ang runway sa Jolo.
Nanawagan ang AFP sa publiko na huwang nang gawan ng espekulasyon ang trahedya at ipagdasal ang mga biktima at kanilang pamilya.
Una nang sinabi ng AFP na hindi muna pwedeng paliparin ang lahat ng C-130 planes habang may imbestigasyon.