Lungsod ng Cauayan, Mayroon pang 71 COVID-19 Active Cases

Cauayan City, Isabela- Mayroon pang 71 na natitirang aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Cauayan.

Sa datos ng Cauayan City Health Office as of July 4, 2021, walang naitalang gumaling sa nasabing araw at wala rin naitala na binawian ng buhay sa mga nagpositibo.

Gayunman, nakapagtala pa rin ang Lungsod ng anim (6) na bagong positibong kaso.


Sa kasalukuyan hinihintay pa ang CV codes ng mga bagong kaso.

Muling hinihikayat ng City Health Office ang publiko na sumunod pa rin sa mga panuntunan habang ang lungsod ay nananatiling nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) hanggang July 30, 2021.

Facebook Comments