Bilang ng mga nasawi sa pertussis sa QC, sumampa na sa anim

Umabot na sa anim ang bilang ng mga nasawi dahil sa pertussis o matinding ubo sa Quezon City.

Ito ay batay sa datos na naitala ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Division nitong April 5.

Sa ngayon, umakyat na sa 41 ang kaso ng pertussis sa buong lungsod.


60% sa mga tinamaan ng sakit ay mga sanggol na wala pang anim na buwan ang gulang.

Ayon sa QC LGU, nakabili na ang Quezon City government ng humigit-kumulang ₱13 milyong halaga ng mga bakuna at antibiotic para sa paggamot ng mga kaso ng pertussis.

Tiniyak ni Mayor Joy Belmonte na pagdating ng mga biniling bakuna at gamot, ay agad itong ipadadala sa mga health center, lalo na sa mga lugar na mataas ang bilang ng pertussis.

Facebook Comments