Sumampa na sa 189 ang bilang ng mga kumpirmadong namatay dahil sa tigdas.
Ito ay naitala ng Department of Health (DOH) mula January 1 hanggang February 20, 2019.
Ang kabuuang bilang naman ng mga pasyenteng tinamaan ng tigdas ay nasa 11,459 na.
Tumaas ito ng 2,192 mula sa measles surveillance update noong February 18.
Pinakamaraming naitalang kaso ng Tigdas ay sa National Capital Region (NCR) na mayroong 2,936.
Sumunod ang Region 4-A na mayroong 2,635 cases; Region 3 na may 1,643; Region 6 na mayroong 576 cases at Region 10 na may 572 cases ng tigdas.
Karamihan sa mga apektado ng tigdas ay mga bata.
Patuloy namang umaapela si Health Secretary Francisco Duque III sa mga magulang na pabakunahan ang kani-kanilang mga anak.
Facebook Comments