Umakyat na sa 140 ang bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Usman.
Ito ang datos na nakalap ng NDRRMC hanggang alas-6:00 ng umaga nitong January 9.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad – ang mga namatay ay naitala sa mga rehiyon ng Mimaropa, Bicol at Eastern Visayas.
Nasa 105 naman ang sugatan habang nasa 28 indibidwal pa rin ang pinaghahanap at sakop na ng search and retrieval operation.
Nasa ₱5.4 billion na ang iniwang pinsala sa imprastraktura at agrukultura lalo na sa mga rehiyon ng Calabarzon, Mimaropa, Bicol at Eastern Visayas.
Naisailalim sa state of calamity ang isang lungsod at pitong bayan ng Oriental Mindoro, Albay, Sorsogon, Camarines Norte at Sur, at ang bayan ng Bulan, Sorsogon.
Nasa 152,256 pamilya o 682,315 na indibidwal ang naapektuhan ng bagyo sa 986 na barangay sa Cabarzon, Mimaropa, Bicol at Eastern Visayas.
Sa kabuoan, umabot sa halos ₱80 milyong pisong halaga ng ayuda mula sa Office of Civil Defense (OCD), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Local Government Units (LGUs) at National Government Organization (NGOs) ang naipaabot sa mga naapektuhan ng bagyo.