Daraga, Albay Mayor Baldo, hindi pa nakakaalis sa bansa – PNP

Hindi pa nakakaalis ng bansa si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo.

Matatandaang naglabas ng lookout bulletin order ang Department of Justice (DOJ) laban kay Baldo at iba pang personalidad na dawit sa kasong pagpatay na Ako Bicol Representative Rodel Batocabe at kanyang security aide na si SPO1 Orlando Diaz.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – hindi pa sila nakikipag-ugnayan kay Baldo mula nang isangkot siya sa pagpatay sa mambabatas.


Si Baldo ay itinuturong mastermind sa pagpatay kay Batocabe, tumatakbo ring incumbent mayor ng lungsod sa darating na midterm elections.

Facebook Comments