Umabot na sa 508,332 indibidwal ang naturukan ng una sa dalawang doses ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 nitong Marso 23, 98.21 percent o 1,105,500 mula sa 1,125,600 dose ang naipamahagi na sa 1,759 vaccination sites sa buong bansa.
Pinakamarami sa mga nabakunahan ay mula sa National Capital Region (NCR) na may halos 150,000; CALABARZON na may halos 49,000; at Central Visayas na may halos 40,000.
Una nang umarangkada ang rollout ng Sinovac vaccine noong March 1 at sinundan ng vaccination ng AstraZeneca vaccines noong March 6.
Tiwala naman ang DOH na dahil sa pagdating ng karagdagang 400,000 doses ng Sinovac vaccine ay siguradong mapoprotekahan laban sa COVID-19 ang mga healthcare workers na prayoridad sa vaccination.