Mga negosyong ipinasara sa NCR+, irerekomenda muli ng DTI na buksan pagkatapos ng Semana Santa

Irerekomenda ng Department of Trade and Industry (DTI) na muling buksan ang mga isinarang negosyo sa National Capital Region o “NCR Plus Bubble” pagkatapos nang dalawang linggo o Abril 4.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, hindi naman mapapabilang sa risk area ang mga park, cultural centers, museum at mga gym basta hindi naka-aircon o may bukas na bintana para sa ventilation.

Pero payag siyang huwag munang buksan ang mga internet shop, cinema at arcade sa Abril.


Nanindigan naman si Lopez na hindi ang pagbubukas ng ekonomiya ang dahilan ng pagsipa ng COVID-19 cases.

Facebook Comments