Bilang ng mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, mahigit 420,000 na

Aabot sa mahigit 420,000 Pilipino ang nawalan ng trabaho noong 2020 matapos magsara ang maraming negosyo sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Assistant Secretary Dominique Tutay, mahigit 420,000 ang permanenteng nawalan ng trabaho habang 4.5 million workers ang naapektuhan ng flexible work arrangement at temporary closure.

Batay sa Labor Force survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang nasabing bilang ng mga nawalan ng trabaho ay nagresulta sa unemployment rate na 10.2 percent sa bansa.


Una nang naglaan ang DOLE ng P28.8 billion assistance sa CAMP, TUPAD at AKAP programs para sa mga apektadong manggagawa kabilang ang 3.4 million Overseas Filipino Workers (OFWs) at informal at formal sectors.

Inaasahan naman ng DOLE na magiging maganda na ang outlook ng bansa ngayong 2021.

Kabilang din sa national recovery plan ng pamahalaan ang interest-free na pautang sa mga negosyo, emergency employment para sa mga nawalan ng trabaho, skills training, at “COVID19-proofing” ng mga establisimyento.

Facebook Comments