
Hindi lamang 34 ang bilang ng mga sabungero na nawawala.
Ito ay ibinunyag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, matapos umano niyang makausap noon ang whistleblower sa missing sabungeros.
Sa ambush interview, sinabi ni Remulla na “kinanta” na rin sa kaniya ng whistleblower ang ilang pangalan na nasa likod umano ng pagdukot pagpaslang sa mga ito.
Sa kabila niyan, tumanggi muna si Remulla na magbigay ng kanilang pagkakakilanlan.
Sa ngayon, inihahanda na ang paghahanap sa mga labi ng mga sabungero na sinasabing itinapon umano sa Taal Lake sa Batangas.
Bago pa man mag-eleksiyon, nakausap na rin aniya ng kalihim naturang whistleblower na isa sa akusado sa krimen.
Facebook Comments