Patuloy na lumolobo ang bilang ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na hindi makabalik ng Hong Kong dahil sa flight ban.
Sa harap ito ng mabilis na pagkalat ngayon ng COVID-19 infection sa Hong Kong.
Ayon sa isa sa OFW na stranded sa Pilipinas na si Vivian, nabaon na siya sa utang makaraang ilang beses na makansela ang flight niya pabalik ng Hong Kong.
Ilan din sa OFWs sa Hong Kong ang hindi makauwi ng Pilipinas para magbakasyon dahil sa takot na mahirapan silang makabalik.
Sa ngayon, malaking problema sa Hong Kong ang punuan na mga ospital dahil nga sa mabilis na pagkalat ng infection.
Facebook Comments