Bilang ng mga OFW na nakaalis na ng Pilipinas, tumaas pa ngayong 2021 – POEA

Tumaas na sa 70,000 kada buwan ang bilang ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakaalis ng Pilipinas ngayong 2021.

Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia, mas mataas ito sa naitala noong 2020 kung saan 30,000 ay land based habang 40, 000 ay sea-based.

Malaki naman ang pagtaas sa bilang na ito kung ikukumpara sa 74 percent na pagbagsak ng deployment ng bansa noong nakaraang taon.


Kabilang sa in-demand na OFWs ay mga healthcare worker tulad ng nurse sa mga bansa sa Europa tulad ng; United Kingdom, Germany, at maging sa ilang bansa sa Middle East.

Sa mga sea-based OFW naman aniya, karamihan sa mga nade-deploy ay ang mga manggagawa sa linya ng cargo, transport at petroleum vessels.

Facebook Comments