Bilang ng mga OFW na nakinabang sa mga inilatag na programa ng pamahalaan noong kasagsagan ng pandemya, patuloy na nadaragdagan

Tumaas pa ang bilang ng mga benepisyaryo ng mga programa ng pamahalaan para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Atty. Hans Leo Cacdac na umakyat na sa 200% hanggang 250% ang mga benepisyaryo sa livelihood, medical, calamity at iba pang mga programa para sa mga OFW.

Ayon pa kay Cacdac, maging sa scholarship program ng ahensya ay tumaas din ng 100% ang kanilang mga benepisyaryo.


Maliban sa mga nabanggit, napagkalooban din ang mahigit isang milyong mga OFW ng food assistance, quarantine assistance at transportation assistance sa panahon ng COVID-19.

Tumanggap din ang bawat OFWs na tinamaan ng COVID-19 ng tig ₱20,000 habang ang mga OFW naman na bumabalik dito sa bansa ay binigyan ng cash assistance ng pamahalaan para makapagsimula sila ng kabuhayan.

Facebook Comments