Bilang ng mga OFW na napauwi na sa mga probinsya, aabot na sa halos 140,000, ayon sa DOLE

45

Aabot sa higit 2,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang bagong batch na napauwi ng pamahalaan sa kanilang mga probinsya.

Sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong August 12, nasa 2,218 OFWs ang natulungang makauwi sa kanilang mga probinsya.


Sa kabuuan, aabot na sa 139,059 OFWs ang napauwi mula nang ilunsad ng pamahalaan ang hakbang na ito nitong Mayo.

Una nang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi sila mapapagod na tulungan ang repatriated OFWs.

Facebook Comments