BILANG NG MGA OUT-OF-SCHOOL YOUTH SA LUNGSOD, BINABANTAYAN!

Baguio, Philippines – Hinahanda na ang ilang mga posibleng solusyon ng gobyerno laban sa pagtaas ng bilang ng Out-of-School Youth (OSY) sa lungsod kung saan dahil sa pagtaas ng school fees ng ilang mga paaralan, inaasahang ilang mga apektado sa krisis na mga estudyante ang titigil pansamantala.

Matatandaan na hinikayat ni Baguio City Councilor, Vladimir Cayabas, ang ilang mga paaralan, mga learning Institutions, pribadong unibersidad at kolehiyo, patungkol sa pagkontrol ng pagtaas ng school fees ng mga ito ngayong semestre para hindi lumobo ang bilang ng OSY, kung saan isa ito sa dahilan kung bakit dumadami ang nawawalan ng karapatan mag-aral dahil sa walang pambayad, bukod sa iba pang dahilan tulad ng kawalan ng interest, maagang pag-aasawa at isyu sa pamilya.

Isa sa mga nakikitang solusyon para sa mga OSY at sa mga apektadong mag-aaral ay ang pagbibigay ngscholarship for skills training and formal education, o maaari din ang Alternative Learning System (ALS) program na bibigyang tulong ng Department of Education (DepEd) at lokal na gobyerno ng siyudad, ayon sa konsehal .


Dagdag pa ng konsehal, binabantayan din ang kalidad ng edukasyon para sa lahat sa pagpasok ng makabagong paraan ng pag-aaral bago sumailalim sa “new normal”.

Facebook Comments