Umakyat pa sa 8,854 overseas Filipinos ang tinamaan ng COVID-19 matapos makapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 50 bagong kaso.
Sa huling datos ng DFA, nasa 5,274 Filipinos abroad ang gumaling na sa sakit habang 2,969 ang sumasailalim sa treatment o quarantine.
Nadagdagan ng 17 ang bilang ng mga namatay na umaabot na sa 611.
Ang Middle East-Africa pa rin ang may pinakamataas na bilang ng COVID-19 positive Filipinos na may higit 6,000 kaso.
Sinundan ito ng Europe, Americas, at Asia Pacific Region.
Facebook Comments