Bilang ng mga paaralan na nagkansela ng face-to-face classes dahil sa mainit na panahon, umaabot na sa halos 6,000

Kinumpirma ng Department Education (DepEd) na umaabot na sa 5,844 na mga paraalan ang nagsuspinde ng klase dahil sa matinding init ng panahon.

Ang mga paaralan na nag-shift sa alternative delivery mode (ADM) ay sa Regions 1, 2, 3, 4A, 4B, 6, 7, 8, 9, 10, 11 at 12.

Hindi naman nagsupinde ng klase ang Region 13.


Nilinaw naman ng DepEd na discretion na ng school heads kung nais nilang magsuspinde ng face-to-face classes sa kanilang nasasakupang lugar.

Facebook Comments