Gumagawa ng pekeng driver’s license, arestado ng LTO at PNP-CIDG

Arestado ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang suspek na gumagawa ng mga pekeng driver’s license sa Maynila.

Kinilala ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza ang arestado na si Jeric Baluyot.

Si Baluyot ay hinuli sa kanyang bahay sa Adelina Street, Brgy. 467, Zone 46 sa Maynila.


Nakuha mula kay Baluyot ang mga pinekeng driver’s license at fake LTO’s official receipt para sa rehistro ng sasakyan, smartphones at iba pang equipment na ginagamit sa illegal activity.

Paglabag sa Republic Act 4136, o Land Transportation and Traffic Code ang isasampa sa suspek.

Ayon kay Mendoza, ang pagkakahuli kay Baluyot ay magsilbing warning sa ibang tao na huwag gumawa ng illegal activity upang hindi maparusahan ng batas.

Facebook Comments