Manila, Philippines – Umakyat ng 6.3% o 1.4 millionfamilies ang nadagdag sa bilang ng mga pamilyang pilipino na nagsabing biktimasila ng street robbery, pagnanakaw at car nappers sa unang tatlong buwan ngtaong ito.
Batay sa latest survey ng Social Weather Stations – angnasabing figure ay halos dalawang puntos na mas mataas sa itinuturing napinakamababang record na 4.5% o 1 milyong pamilya noong December 2016.
Nasa 6.8% o 1.6 million families naman ang itinaas ng mgabiktima ng common crimes kumpara sa record low na 4.9% sa fourth quarter ngnakalipas na taon.
Umakyat ng dalawang puntos ang bilang ng mga pamilyangnabiktima ng street robbers’ o mula 3. 3% noong December 2016 ay naging 5.3% nasa unang quarter ng taong ito.
Tumaas naman ng isang porsyento ang mga pamilyangnabiktima ng carnapping sa unang tatlong buwan ng taon kumpara sa 42,000pamilya noong Disyembre.
Tumaas din ng 5.3% ang mga pamilyang nanakawan ngkanilang personal na ari-arian mula sa 6.7% na naitala sa huling buwan ng 2016.
Ang survey ay isinagawa noong March 25 hanggang 28 sa 1,500 adults sa buong bansa sa pamamagitan ng face to face interview.
Bilang ng mga pamilyang nagsabing nabibiktima sila ng karahasan, tumaas ayon sa Social Weather Stations
Facebook Comments