Nabawasan ang bilang ng mga Pinoy na nagugutom sa unang bahagi ng 2019.
Sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) lumabas na 9.5 percent o katumbas ng 2.3 Milyong pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom mula Enero hanggang Marso.
Mas mababa ito kumpara sa naitalang 10.5 percent o 2.4 milyong pamily ang Pilipino sa huling bahagi ng 2018.
Lumabas din sa survey na bumaba sa 11.7 percent o 387,000 families ang bilang ng mga nagugutom sa Metro Manila.
Isinagawa ang survey mula March 28 hanggang March 31, 2019 na nilahukan ng 1,444 na mga respondents.
Facebook Comments