Umabot na sa mahigit 75,000 ang unit ng mga Public Utility Vehicles (PUVs) ang pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makabiyahe sa iba’t ibang ruta sa Metro Manila.
Ito’y matapos unti-unti nang payagang magbalik-pasada ang mga pampublikong sasakyan sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Pinakamarami sa nakabalik-pasada ay ang Transport Network Vehicles Service (TNVS) na umaabot sa 23,968 units.
Sinusundan ito ng traditional at modern jeepneys na mayroong 23,041 units.
Ang Public Utility Buses (PUBs) kasama ang P2P buses na mayroong 4,347 units habang 3,263 naman sa traditional at modern UV Express, bukod sa mga taxi na umabot na sa 20,891.
Umabot naman sa 30 ang binuksang ruta ng LTFRB magmula nang magbalik-pasada ang mga pampublikong sasakyan.