Laptops at photocopiers, ipinamahagi sa mga guro sa Muntinlupa City

36

Natanggap na ng mga pampublikong guro ng Muntinlupa City ang laptops at photocopiers para sa distance learning ngayong may pandemya.

Unang nai-turn over ng Muntinlupa Local Governmetn Unit (LGU) ang first batch ng 2,557 laptops at 28 photocopiers kay Schools Division Superintendent Dr. Dominico Idanan at mga principal.

Lahat ng mga pampublikong guro sa lungsod mula sa elementary, junior at senior high schools kabilang ang school heads ay nabigyan ng isang brand new laptop na ang specifications ay alinsunod sa rekomendasyon ng Department of Education (DepEd).

Ang mga matatanggap na photocopiers naman ay gagamitin sa printing ng modules para sa distance learning modality.

Sunuod namang bibigyan ng tablets ang mga mag-aaral sa mga pampublikong mag-aaral sa Muntinlupa City.

Facebook Comments