Manila, Philippines – Nasa 26, 711 na lamang ang mga pasahero na bumabyahe sa mga pantalan sa buong bansa ngayong araw para sa Undas.
Mas mababa kung ikukumpara sa naitalang higit 40 libong mga pasahero kaninang alas dose ng hating gabi.
Sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard, pinakamarami sa mga ito ay nagmula sa pantalan sa Central Visayas, na mayroong 6, 227 na sinundan naman ng pantalan sa Southern Tagalog na mayroong 5,910.
Muli namang nagpaalala ang PCG, na iwasan ang pagdadala ng mga ipinagbabawal na bagay sa pantalan, tulad ng mga patalim, upang di maantala sa pagbyahe.
Facebook Comments