DOH, inilagay sa Code White Alert ang mga ospital sa buong bansa para sa Undas

Manila, Philippines – Naka stand by ngayon lahat ng medical personnel at medical equipment sa buong bansa hanggng November 2, ito ayon kay Health Undersecretary Herminigildo Valle ay bunsod ng pagdedeklara ng Department of Health sa White code alert, para sa Undas.

Ibig sabihin, bukod sa mga naka duty sa mga hospital, naka stand by at on call dapat ang mga medical personnel sakaling kailanganin ng pagkakataon.

Ayon kay Usec. Valle, karaniwang inilalagay sa Code White alert ang mga ospital tuwing mayroong national event o malakihang pagtitipon, tulad na lamang ng Undas.


Kaugnay nito, muli namang nagpaalala ang DOH na magdala ng tubig, mag apply ng mosquito repellant at kung hindi na talaga kaya pang pumunta sa sementeryo ay manatili na lamang sa bahay at huwag nang ipilit.

Facebook Comments