Naghahanda na ang pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa pagdami ng mga pasahero ngayong papalapit na ang Pasko.
Ayon kay PITX Corporate Affairs Head Jason Salvador, posibleng umabot sa 85,000 pasahero kada araw ang pumunta sa landport mula sa kasalukuyang 70,000 average daily passenger estimate.
Dahil dito, siniguro ni Salvador na mas maghihigpit sila sa pagpapatupad ng minimum health standards sa loob ng landport kung saan dapat masunod ang 70 percent maximum capacity.
Bagama’t pinapayagang mapaasok sa PITX ang mga hindi pa bakunado ay ibinida ni Salvador na fully vaccinated ang lahat ng nagtatrabaho sa landport maging ang mga driver.
Hinihikayat naman nito ang mga pasahero na mas maganda na maging bakunado laban sa COVID-19 upang may dalang proteksyon ang mga ito sa sakit.