Kinumpirma ng Manila International Airport Authority (MIAA) na umaabot na sa 1.6 million na mga pasahero ang dumadagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay mula nitong December 1 hanggang December 15.
Ayon sa MIAA, halos 130,000 kada araw ang mga pasaherong dumadagsa ngayon sa NAIA.
Bukod kasi sa mga umuuwi sa mga lalawigan, dagsa na rin ang malaking volume ng mga dumadating na Overseas Filipino Workers (OFWs) at Pinoy balikbayans.
Samantala, inalis na ang baggage scanner sa entrance ng departure area sa NAIA Terminal 3.
Layon nito na mapabilis ang pagpasok ng mga pasahero sa loob ng paliparan.
Facebook Comments