Tumaas ng walong porsiento ang bilang ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) isang linggo bago ang Semana Santa 2019.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division limang araw bago ang semana santa 2019 pumalo na sa 989, 420 na pasahero sa domestic at international ang gumamit ng NAIA, kumpara sa 873,793 pasahero na gumamit sa NAIA noong 2018.
Samantala sinabi ni CAB Executive Director Atty. Carmelo Arcilla on the average 10 to 20 na reklamo kada araw ang natatanggap ng Civil Aeronotics Board mula sa mga pasahero.
Pero nilinaw ng opisyal na minor complaints lamang ang kadalasan na kanilang natatanggap tulad ng di pagkakaunawaan ng mga pasahero at airport at airline representative.
Habang ilan din ang naitalang delayed flights sa NAIA dahil sa hindi pagsunod sa tamang slot schesule
Pinangunahan ang inspeksyon nila DOTr Undersecretary for Aviation Sector Manuel Antonio Tamayo, CAAP Director General Captain Jim Sydiongco, CAB Executive Director Atty. Carmelo Arcilla, OTS Secretary Raul Del Rosario at MIAA SAGM Elenita Fernando.