Bilang ng mga pasyente sa Quezon City na nakarekober sa COVID-19, nadagdagan pa ng 24!

Umabot na sa tatlong daan walomput lima (385) na COVID-19 patients ang gumaling sa sakit sa Quezon City.

Ito ay matapos madagdagan pa ng dalawamput apat (24) ang bilang ng recoveries.

Batay sa datos ng Department of Health, nasa 1,597 ang confirmed COVID-19 cases sa Quezon City kung saan 140 rito ang naitalang nasawi.


Base naman sa ulat ng Quezon City Health Department, bukod sa mga hospital, may dalawamput walong (28) confirmed patients pa at pito (7) suspected patients ang nasa pangangalaga ng HOPE 1 facility sa lungsod.

Habang sumasailalim naman sa self-isolation sa Hope 2 quarantine facility ang ibang indibidwal na tapos nang ma-test sa community testing at hinihintay na lamang ang paglabas ng resulta.

Facebook Comments