Bilang ng mga personalidad na pasok sa watchlist ng PDEA, nasa 60,000 na

Posible pang madagdagan ang bilang ng mga personalidad na pasok sa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay ng iligal na droga.

 

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nasa 60,000 na ang kanilang minamanman at patuloy na pinagtitibay ang mga ebidensya.

 

Kasama na rito ang bina-validate na pangalan ng 13 hukom, 10 piskal at 31 celebrities.


 

Matatandaang kinumpirma kamakailan ng PDEA na may mga artista, judge, piskal at miyembro ng media na sangkot din sa illegal drugs.

 

Pero aminado si Aquino na mahirap at mahabang proseso ang pagba-validate gaya ng listahan ng 46 na narcopoliticians na inabot ng mahigit isang taon bago nailabas.

 

Samantala, ilan aniya sa mga artistang nasa watchlist ay karaniwang gumagamit ng cocaine pero hindi sila mahahalata kung pagbabatayan ang kanilang imahe sa telebisyon.

 

Habang ang mga hukom ay ang mga nagbabasura ng drug cases kaya halos walang umuusad sa mga kasong isinasampa ng PDEA sa korte.

Facebook Comments