Hindi bababa sa 350 na mga OFW mula sa Sudan, ang natulungan ng gobyerno na makauwi sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 864 na mga Pilipino ang nagpahayag na sila ay nasa Sudan.
Sa nabanggit na bilang, 18 ang humiling ng tulong sa Gobyerno na sila ay makabalik na sa Pilipinas dahil sa kaguluhan sa bansa.
Matatandaan kagabi ang pinaka-latest mahigit 100 OFWs ang Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, kung saan sinalubong sila ng mga tauhan at opisyal mula Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at DFA.
Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng mga nakauwing Pinoy sa Pagalalay sa kanila ng gobyerno mula sa matutuluyan, pagkuha ng dokumento, pagkain at cash assistance.