Higit dalawang pisong rollback sa diesel, gasolina at kerosene, kasado na bukas

Kasado na bukas ang big-time rollback sa mga produktong petrolyo.

Sa anunsyo ng mga kumpanya ng langis, bababa ang presyo ng gasolina ng ₱2.20 kada litro.

Habang may bawas naman na ₱2.70 sa kada litro ng diesel at ₱2.55 sa kada litro ng kerosene.


Epektibo ang oil price adjustment sa mga kumpanyang Caltex at Cleanfuel bukas ng madaling araw habang susundan ito ng mga natitirang oil companies bukas ng alas sais ng umaga.

Facebook Comments