Bilang ng mga Pilipino na tinamaan ng COVID-19 sa abroad, nasa 9,893 na

Pumalo na sa 9,893 ang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa ibayong-dagat.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 15 na bagong kaso.

Sa kabila nito, aabot na sa 5,842 na Overseas Filipinos ang naka-rekober sa sakit habang nasa 3,326 ang sumasailalim pa sa treatment.


Nadagdagan naman ng tatlo ang mga namatay sa sakit na umakyat na sa 725.

Nangunguna ang Middle East o Africa na may mataas na bilang ng COVID-19 positive Filipinos na nasa 6,892 cases, kasunod ang Europe na may 1,146 cases habang ang Asia Pacific Region na nasa 1,064 cases, at Amerika na may 791 cases.

Facebook Comments