Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na muling tumaas ang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa na gumaling at tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa pinakahuling tala ng ahensya, nasa 757 ang mga gumaling sa virus kasunod ng 88 bagong recoveries mula sa Asia and the Pacific at Europa.
Nasa 2,300 na rin ang confirmed cases matapos magtala ng 77 bagong kaso habang walo naman ang namatay.
Dagdag pa ng DFA, tumaas ng 13.15% ang daily rate ng recoveries na ngayo’y higit kalahati na ng bilang ng pasyenteng ginagamot at doble ng bilang ng mga nasawi.
Sa kabuuan, 2,310 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa 46 na bansa, 1,284 ang ginagamot at 269 ang namatay.
Patuloy naman na mino-monitor ng DFA ang kalagayan ng bawat Pinoy sa ibang bansa na ginagamot sa ospital at nagpapa-abot din sila ng tulong sa abot ng kanilang makakaya.