Bilang ng mga Pilipinong kabilang sa work force, bahagyang bumaba nitong Marso – PSA

Bahagyang nabawasan ang bilang ng mga Pilipinong kabilang sa work force nitong Marso.

Sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 48.58 million ang mga Pilipinong may trabaho nitong Marso, mas mababa sa 48.80 million na naitala noong Pebrero.

Sa kabila nito, bumaba rin ang unemployment rate o bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa 4.7%.


Ibig sabihin, mula sa 2.47 million unemployed Filipinos nitong Pebrero ay bahagyang bumaba ito sa 2.42 million.

Patuloy naman ang pagbaba ng underemployment rate o yung mga nagtatrabaho na hindi pasok sa kanilang natapos kung saan bumagsak ito sa 11.2% nitong Marso, na siyang pinakamababa sa nakalipas na 18 taon.

Facebook Comments